Drive logo

I-explore ang Mga Feature ng Storage ng Drive

Dahil gamit mo ito, ang gusto mo ang masusunod - Mga Feature ng Drive

 

Gumagana ang iyong storage sa Drive, Gmail at Google Photos, kaya maaari kang mag-store ng mga file, mag-save ng mga attachment sa email at mag-back up ng mga larawan nang direkta sa Drive. Maaari ka ring kumuha ng mas malaking plan ng cloud storage na kailangan mo.

Logo ng 15 GB na libreng storage ng Google Drive

Mga larawan, video, presentation, PDF – pati na rin ang mga Microsoft Office file. Anumang uri ng file ito, maso-store ang lahat nang ligtas sa Drive.

Listahan ng uri ng file sa Google Drive kasama ang mga larawan, dokumento at musika

Pribado ang mga file sa Drive hanggang sa magpasya kang ibahagi ang mga ito. Madali kang makakapag-imbita ng ibang tao upang tumingin, magkomento at mag-edit ng anumang file o folder na pipiliin mo. Ito ay pinadaling pakikipag-collaborate online.

Mga opsyon sa privacy at pagbabahagi sa Google Drive

Mahalaga ang seguridad ng iyong file. Iyon ang dahilan kung bakit nananatiling ligtas ang bawat file sa Drive anuman ang mangyari sa iyong smartphone, tablet o computer. Naka-encrypt ang Drive gamit ang SSL, ang parehong protocol ng seguridad na ginagamit sa Gmail at iba pang mga serbisyo ng Google.

Security Lock ng Google Drive

Ginawa upang gumana sa Google

 
Attachment na larawan sa Gmail na sine-save sa drive sa pamamagitan ng isang pag-click

Mag-hover sa isang attachment sa Gmail at hanapin ang logo ng Drive. Dito, maaari kang mag-save ng anumang attachment sa iyong Drive upang ayusin at ibahagi ang mga ito sa iisang ligtas na lugar.

Attachment na larawan sa Gmail na sine-save sa drive sa pamamagitan ng isang pag-click

Maaaring matukoy ng Drive ang mga bagay sa iyong mga larawan at text sa mga na-scan na dokumento. Kaya maaari kang maghanap ng salita tulad ng “Monumento ni Rizal” at makakuha ng mga dokumento ng text na may ganoong salita, pati na rin ng mga larawan ng aktwal na Monumento ni Rizal.

Larawan ng baybayin ng Oregon na naka-store sa Google Drive at nakabahagi sa Google+

I-store ang iyong mga larawan sa Drive at makita ang mga itong mabigyang-buhay sa Google Photos. Makuha ang hitsura na tila eksperto ang nag-edit nang walang kahirap-hirap, at mga animation, pelikula at higit pa..

Data ng Google Drive sa Mga Chromebook

Built-in ang Google Drive sa Mga Chromebook, kaya awtomatikong naba-back up ang iyong mga file at larawan. Makakatanggap ka ng 100GB na libreng storage sa loob ng dalawang taon sa karamihan ng bagong Chromebook.

 

Magtrabaho nang mas mahusay gamit ang mga app

 

Gumawa at mag-collaborate kasama ang ibang tao. Mabilis na magbahagi ng mga dokumento at file, gumawa ng mga spreadsheet at presentation gamit ang aming mga app na Docs, Sheets at Slides .

Docs, Sheets at Slides sa Google Drive na available para sa pagbabahagi

Nagbibigay-daan sa iyo ang Google Forms na gumawa ng survey o mabilis na bumuo ng roster ng team gamit ang isang simpleng online form. Pagkatapos ay tingnan ang mga resulta, na maayos na nakalagay sa isang spreadsheet.

Halimbawa ng Google Forms sa Google Drive

Mag-lay out ng mga diagram, gumawa ng mga flow chart at pagkatapos ay idagdag ang mga ito sa iba pang mga dokumento o i-embed ang mga ito sa isang website sa madaling paraan gamit ang Google Drawings.

Icon ng Google Drawings

I-edit ang iyong larawan sa profile, magsagawa ng ilang pagla-landscape, bumuo ng mind map at higit pa. Matutulungan ka ng mahigit 100 app sa Drive na gumawa nang higit pa. Subukan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-install ng isa mula sa koleksyon ng Drive sa Chrome Web Store.

Mahigit 100 available na app sa Google Drive

Sulitin pa ang Drive

 
Halimbawa ng pagse-save ng mga doc sa Drive sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan gamit ang Android phone

I-scan ang lahat ng iyong dokumentong papel sa Drive para sa Android. Kunan lang ng larawan ang mga dokumento gaya ng mga resibo, liham at statement – at iso-store agad ng Drive ang mga ito bilang mga PDF.

Offline o online na switch ng Google Drive

Gawing available offline ang mga file para matingnan mo ang mga ito kahit walang internet ang cellphone o tablet mo, tulad ng kapag nakasakay sa eroplano o kapag nasa lugar na mahina ang signal.

Halimbawa ng history ng rebisyon ng file sa Google Drive

Maaari mong balikan kahit hanggang 30 araw ang karamihan ng uri ng file, na nagpapadaling makita kung sino ang gumawa ng mga pagbabago at bumalik sa mga naunang bersyon. Iyon ang pinadaling paggawa ng bersyon ng file.